TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA-PILIPINO!
HOME
MGA BAGO
MGA ARALIN
MGA AKTIVITI
TUNGKOL SA AMIN
DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING

1. Paghahambing na magkatulad- Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya,tulad, paris, kapwa, at pareho.
2. Paghahambing na di-magkatulad- Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
May dalawang uri ito:
  2.1 Pasahol-Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino.
  2.2 Palamang-Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, at di-hamak.

BACK<<

Copyright � 2014 by Kadipan
All Rights Reserved